Oro Plata Mata; Restored Version: Movie Review
Thursday, November 29, 2012![]() |
Oro Plata Mata |
Nito ko lang talaga narinig ang mga katagang "Oro Plata Mata", Ininvite ako ng mga blogger friends ko na umattend sa screening nito, I heard na classic film daw ito restored version lang. Naging interisado akong panoorin ang pelikula dahil classic film nga ito, naisip kong maybe last chance ko na mapanood ang pelikulang ito, at gusto kong makita ang pag ka restore ng pelikula. Sa totoo lang, wala talaga akong idea sa tema ng pelikula, pero sa title nitong "Oro, Plata, Mata", tunog pa lang, mukhang kakaiba na at may aasahan kang surprise.
Sa Pagsisimula ng pelikula, parang medyo boring, para sakin, kasi hindi ito katulad ng mga pelikula ngayon, medyo hindi pa ganoon kaganda ang pag galaw ng camera at parang hindi pa ganoon kaganda ang transition effect. Nung una, naisip ko na boring kasi luma nga, nakakapanibagong makita ang mga kasuotan ng mga karakter, nakapokus ako sa pag alam kung sino ang mga artista na aking napanood, dahil halos hindi ko sila nakilala sa batang itsura nila! katulad na lang nila Cherie Gil, Sandy Andulong, Ronnie Lazaro, Joel Torre, Liza Lorena, Many Ojeda, Mitch Valdez, Lorli Villanueva, Abbo dela Cruz, Kuh Ledesma, Manny Castaneda at Mary Walter, Ilan sa kanila ay hindi ko kilala sa pangalan, ilan din sa kanila nang makita ko sa pelikula ay napaisip ako na "kaya pala sya sumikat ay siguro dahil sa Oro Plata Mata". Nakakatuwang makita ang mga artista noon sa panahon nila, naiimagine ko kasi na si "Sandy Andulong" ay parang "Kim Chiu" lang peg, Joel Torre na parang "Gerald Anderson" lang ang peg. nabuhayan ako sa panonood ng pelikula ng mareveal na ang mga character conflicts at problems, hindi ko rin inasahan na ang tema pala ng pelikula ay "giyera", ang akala ko kasi ito ay isang pelikulang Drama. Nagsimula ang pelikula sa selebrasyon, pero maya maya ay biglang naging mabigat ang eksena dahil nga sa giyera, itong giyerang ito ay tumutungkol sa pananakop ng mga hapon sa atin. Ang pelikula ay punong puno ng tensyon. Habang tumatagal ang pelikula ay talaga namang patindi ng patindi ang tensyon sa pelikula, lalo na sa eksenang sumuko na ang amerikanong kakampi natin sa hapon. Sobra ang takot at kaba na ipinakita ng mga karakter sa pelikula, talagang kahit ako ay kinakabahan para sa aking napapanood, hindi ko naiwasang isipin na kung ano ang aking gagawin kung ako ay nasa tayo ng isa sa mga karakter sa pelikula. Ikinagulat ko din ang ilang mga eksena na bulgar, ang pelikula kasi ay may pag ka wholesome ang dating, pero nagulat ako ng ang ilang mga karakter ay talagang naghubad sa pelikula ng hindi censored, lalo na ang mga lalaking artista. Ikinagulat ko din ang ilang mga bed scenes scene sa pelikula, hindi naman sya ganoon ka bold, kahit maselan ang mga tagpo ay nagawa pa rin nila ito ng maganda. Nagulat ako na ang mga artistang aking napapanood at kilala ay gumawa ng mga bed scenes, ang hindi ko talaga ikinagulat ay ang kanilang galing sa pagkilos at pag arte, napakagaling talaga ng pagsasama nila dito sa pelikulang ito! napaka realistic ng mga emotions, mga dialogues, very well delivered. Talagang habang patagl ng patagal ang pelikula ay lalo akong nahahawa sa mga emosyong mabibigat dito, pero para kang naka sakay sa roller-coaster dahil ibang klaseng punge-line din ang dala ng pelikulang ito, nakakalungkot, nakakagulat, biglang hahalakhak ka.. ibang klase talaga ang makapanood ng ganitong obrang classic film, iba ang feeling, sa soundtrack pa lang ibang iba, masyadong mabigat sa dibdib ang tunog ng plaka, ibang klase rin ang mga kagamitang ipinakita sa pelikula dahil mga antique, at iba pa, pero humanga talaga ako sa linis at ganda ng kapaligiran noon, parang wala ka noong malalanghap na usok sa kapaligiran, isa talaga yun sa parang masarap balikan noon. Nagulat din ako sa galing ng pag kakagawa ng mga action scenes katulad ng mga barilan, hindi ko inexpect na mas realistic pa ang action scenes noon kesa sa ngayon, pati ang mga blood effect, pag kakaitak effect, makikita mo talagang naitak sila, pero hindi ko talaga nakayanang panoorin ang opera scene at mga medic scene sa pelikula, pero nakakamanghang naipapakita nila ang paghiwa sa balat ng tao, na as in may pag sirit nang dugo, medyo nakakadiring tingnan pero, ang galing talaga ng pagkakagaw, sobrang realistic dahil talagang hindi ko ito nakayanang tingnan. Akala ko din ay hindi ako mapapakilig sa ganitong classic film, pero iba ang kilig sa panahon nila, parang ang sarap din iimagine ang love noong unang panahon,in fairness talaga kinilig ako sa mga loveteams dito, ibang klase din ang romantic twists sa pelikula. Nabigla din ako sa nangyari na ang Hapon dapat ang magiging Kaaway sa pelikula, ngunit kapwa pilipino din ang lumabas na kontrabida, parang nagets ko ang mensaheng ibig ihatid ng pelikula, sobrang galing ng nakaisip na ganito ang dapat mangyari sa pelikula. Nakakapaisip naman ang Cameo Role ni Kuh Ledesma kung siya ba ay isang diwata o tao sa pelikula.
Ang "Oro Plata Mata" para sa akin ay isang "eye opener" movie, napakaraming leksyon at aral na makukuha dito, nasabi ko talaga sa sarili ko na sobrang swerte ko na, na nabuhay ako sa panahon ngayon at dapat ay makuntento na ako sa mga meron ako, tama na rin ang masyadong luho, dahil sa panahon noon ang mahihiling mo lang na luho ay ang mabuhay ka.
0 comments