A Direk Ruel Bayani Experience

Tuesday, December 11, 2012

Direk Ruel Bayani


So lucky that Direk Ruel Bayani invited us Bloggers to have a short conversation and have a food trip at Dulcinea in Quezon City. 

Bilang Direktor siya ng mga Highest Rating shows at Blockbuster movies ay nakaka Proud talagang maimbitahan niya kami. Ilan sa mga naging hit at big projects niya ay One More Try, No Other Woman, Paano na kaya, Budoy, Tayong Dalawa, Iisa Pa Lamang, Kokey, Minsan lang kita Iibigin at iba pa! Masasabi talaga nating isa siyang napaka galing na direktor.

Napatunayan ko din ng makasama namin sya, na siya ay napaka bait at totoong tao, there's no really sign of pretending. He even shares his having of ADHD na sinabi niyang nakatulong din sa pagiging direktor nya. Napakatotoong tao talaga ni Direk Ruel, napakasaya niyang kasama, halos nga hindi kami nagtanong na mga blogger dahil sya mismo ang nagkukwento samin.

Direk also mentioned na siya ay produkto ng mga dekalibre ring direktor na sina Ishmael Bernal at Marilou Diaz Abaya. 

Si Direk ay isa ring propesor din sa Ateneo, for Communicationn Arts na lalong nagpabilib sa amin.

Napakahumble na tao ni Direk, walang arte, parang kaibigan niya lang kami kung mag kwento siya, parang hindi ka maiilang na Direktor ang kausap mo, very enteraining siyang kausap.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga nashare niyang experience at learnings, na sinasabi niyang wala talagang imposible sa mga pangarap natin, lahat ay nagsisimula sa mga pangarap. Lahat ng bagay ay may posibilidad, at nasa atin ang kakayahan upang isakatuparan ang mga posibilidad na ito.

Maraming Salamat Direk Ruel Bayani sa napakasaya, informative at hindi ko makakalimutang experience na ito. Thank you din sa Souvenir na binigay mo sa amin, til next time :))


You Might Also Like

0 comments

Jerhwin's Journey, Travel, Life and Love

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images