Ikinararangal kita Miss Universe 2012 First Runner Up; Janine Tugonon

Thursday, December 20, 2012

Janine Tugonon






Taon-taon, hinihintay ng bawat Pilipino ang pagpapakita natin ng ating maipag mamalaking kagandahan sa mundo. Inaasahan natin ang wagas na pagrampa, pananamit at higit sa lahat ang pilipinong pagkatao na ipinamamalas ng ating kandidata para sa Miss Universe Pageant.

Dumating na nga sa Taong 2012 ang paligsahang ito. Si Janine Tugonon ang ating representatibo para sa patimpalak. Sa pag rampa niyang walang katulad, pananamit na walang kapares, at sa pag ngiti nyang nagsasabing "Pilipino ako", hindi nakakapag takang muntik na muntik na naman nating masungkit ang korona ng Miss universe. Marami sa atin ang nadismaya ng magtapos ang ating kandidata sa pangalawang posisyon lamang. Ganoon nga lang talaga siguro ang Tagumpay, may tamang pagkakataon, sa nakalipas na pakikipag sapalaran ng ating bansa sa Miss Universe, noong 2010, nagawa ni Venus Raj na makamit ang 4th Runner up, noong 2011 si Shamcey Supsup ay hinirang na 3rd runner up, at ngayong 2012 ay nahirang naman si Janine Tugonon na 1st Runner up.

Sana nga ay sa susunod na taon ng patimpalak, ay hirangin na ang ating kandidatang Miss Universe!

Pangalawa ka man, Ikaw pa rin ang nangunguna sa aming mga puso, Miss Universe 2012 1st Runner up, Janine Tugonon.

You Might Also Like

0 comments

Jerhwin's Journey, Travel, Life and Love

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images