Coco Marin at Julia Montes, muling magsasama sa Pelikulang "A MOMENT IN TIME"

Monday, January 21, 2013

A Moment in Time


Pinakilig nila tayo bilang sina "Daniel" at "Katerina" sa Teleseryeng "Walang Hanggan". Ngayon ay muling nagbabalik ang tambalang "Coco-Julia" sa kauna-unahan nilang pagsasama sa pelikula. Inihahandog ng Star Cinema ang "A Moment in Time"; ang kwento ng pagmamahalan nina Patrick (Coco) at Jillian (Julia) na daraan sa maraming pagsubok. Posible nga bang dumating at mawala ang pag-ibig sa isang iglap? Paano kung ang taong nais mong limutin at layuan ay sa isang saglit lang ay biglang magbabalik upang muli kang paibigin? Sa ilalim ng direksyon ni Emmanuel Palo, tampok rin sa "A Moment In Time" sina ZsaZsa Padilla, Cherry Gil, Ella Cruz, at Gabby Concepcion.

Ang ilan sa mga parte ng"A Moment in Time" ay kinuhanan pa mula sa Amsterdam at iba pang key cities ng Paris.

Salubungin natin ng pag asa, kilig at pag mamahal ang araw ng mga puso. Wag palampasin ang "A Moment in Time" ngayong buwan ng mga puso, February 13, 2013!

Para sa karagdagang impormasyon at pinakabagong updates tungkol sa "A Moment In Time," bisitahin lamang ang www.StarCinema.com.ph, http://facebook.com/StarCinema athttp://twitter.com/StarCinema.

Like the official facebook page of A Moment In Time Moviehttps://www.facebook.com/AMIT2013Movie


A Moment in Time Trailer

You Might Also Like

0 comments

Jerhwin's Journey, Travel, Life and Love

Popular Posts

Like us on Facebook

Flickr Images